Buwan ng Wika



   Taon-taon isa sa mga pinakamahalaga at inaabangang celebrasyon ay ang Buwan ng Wika na ginaganap tuwing Agosto sa buong bansa.  Ngayong Buwan ng Wika 2017 ang theme/tema ay Filipino: Wikang Mapagbago. Makikita natin sa tema palang na ang pagbabago ay palaging nangyayari pati ang ating sariling wika ay merong mga pagbabagong nagaganap at sa kabilang banda maraming din itong pagbabagong naitutulong sa bawat Pilipino na patuloy paring nililinang at ginagamit ang ating pambansang wikang Filipino.
   Ang Buwan ng Wika 2017 Theme ay Filipino: Wikang Mapagbago. Dito iikot ang aktibidad na gaganapin sa bawat paaralan. Ito ay ang gagamiting basehan sa buong buwan na mga aktibidad gaya ng jingle writing, paggawa ng slogan/slogan making, poster making/pagggawa ng poster, pagggawa ng salaysay/tula/sanaysay at iba pa.

   Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. May pagkakaiba-iba sa tono, bigkas at paggamit ng wika. Ang wika ay sinasalita ng tao sa lipunan, sa bahay at lansangan. Dahil sa pagkakaiba ng wikang gamit, madalas, may hindi pagkakaintindihan. Dahil dito, hahantong ito sa hindi pagkakaunawaan hanggang sa pagkakaroon ng hadlang o puwang. Kaya naman, napagtanto ng ating ama ng wika na magkaroon ng iisang pambansang  wika.  Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Drum and Lyre

Acquaintance Party